Thursday, July 18, 2013

Umagang kay ganda






Grabeng saya ang nadarama

Na di na magagalaw ni POGI ang Ginebra

Lulubayan na ang mahal kong koponan

Na di na natahimik simula ng itoy kanyang upuan



O, Salamat Lord answered prayer kami

Salamat din sa Internet madali naming naipahatid

Hinanakit ng Ginebra Fans ay sumisirit

Kulang nalang ay magwelga at mabuo ang EDSA singko



Salamat din sa pamunuan ng SMC sila ay nakinig

Salamat dahil pinakita nyong mahalaga rin kami

Kayoy makaka asa na kami ay laging narito

Basta baliktarang respeto kami ay sumasamo



Salamat din kay SNOW sa magandang balita

Gutom at pagod ko ay biglang nawala

Pagpatuloy mo lang bro ang tamang gawa

Para araw araw na gaganda ang aming umaga!

Monday, July 15, 2013

Napakasakit maging Ginebra Fan





Minsan naiisip ko baket nga ba ako naging Ginebra Fan?




Dahil ba sa simula bata palang ay Anejo/Ginebra na ang sinusuportahan ng Pamilya ko?




Di naman nagpapanalo lagi pa nga silang kulelat sa standings pero baket patuloy akong kumakapit




Baket parang okey lang saken kahit ang sakit sakit na makikita mo ang team mo na talunan.




Taong 90’s ako ay nilakasan ng loob ng dumating  sabay sabay sina Aquino, David at Hizon sinabayan pa nina Locsin, Garencio at Gayoso sabi ko TITLE CONTENDER na ito! Unang laro palang nakita mo na ang PUSO sa bawat manlalaro, may pagkakataon pa na muntikan na akong sumalat noon sa PBA (which is USO) para mameet ang idol kong si Marlou, makahingi ng jersey at autograph. Ang sarap sarap ng feeling nung nakuha nila ang kampeonato! Ang sarap sa feeling! Nakuha ko pang tumakbo sa buong corrider ng school namen dahil natalo nila ang Alaska sa wakas! Ngunit parang gumuho ang aking mundo ng tumakbo si Tatang Jawo sa senado at pinagtetrade ang mga idolo ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Halos isumpa ko nuon ang Ginebra! Nag lielow ako sa panonood ng PBA dahil sa sakit na iyon, ngunit di sumaglit sa aking isip na magpalit o lumipat nalang ng ibang team. Ilang taon ang lumipas, dumating ang AMBOY Player na may kulay ang buhok. Aminado ako, tinawag ko pa sya nuong Bisaya kasi mukha naman talaga (Honest Lang) Pero di pa rin ako nanood ng PBA kasi me nararamdaman parin akong sakit. Hangang sa taong 2005 ako ay nagbalik loob, tinanggap ko ng wala na ang mga idolo ko ngunit ang Ginebra Team ay anjan pa rin. Kaya simula noon nagpromise ako sa sarili ko na wala na akong iidolohing Ginebra Player, magfufull support nalang ako sa aking pinakamamahal na Team. Ang daming player na nawala, dumating okey lang saken. Ngunit eto na naman, taong 2013 bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko nung 90’s nararamdaman ko na naman na binabaliwala ng management ang pagiging Ginebra fan ko, kung kelan nagkakaroon na naman ako ng PAG ASA na makakamit ng Ginebra ang kampeonato.


Baket ganito, baket patuloy akong sinasaktan ng Ginebra ngunit di ko ito maiwan. Nakakaiyak, nakakaduwal, nakakasawa na ngunit di ko mabitawan ang pagiging Ginebra fan. Para akong addict na di mabubuhay pag di sinuportahan ang mahal kong koponan. Sana man lang maisip ng Management ang mga kagaya kong fan na patuloy an sumusuporta at nagmamahal sa Ginebra, pahalagahan nyo naman kami kahit minsan. Mahalin nyo naman kami kahit paano. Dahil kagaya sa isang relasyon, pag kami nagsawa wala na kayong makukuhang suporta galeng sa amin