Minsan naiisip ko baket nga ba ako naging Ginebra Fan?
Dahil ba sa simula bata palang ay Anejo/Ginebra na ang
sinusuportahan ng Pamilya ko?
Di naman nagpapanalo lagi pa nga silang kulelat sa standings
pero baket patuloy akong kumakapit
Baket parang okey lang saken kahit ang sakit sakit na
makikita mo ang team mo na talunan.
Taong 90’s ako ay nilakasan ng loob ng dumating sabay sabay sina Aquino, David at Hizon
sinabayan pa nina Locsin, Garencio at Gayoso sabi ko TITLE CONTENDER na ito! Unang
laro palang nakita mo na ang PUSO sa bawat manlalaro, may pagkakataon pa na
muntikan na akong sumalat noon sa PBA (which is USO) para mameet ang idol kong
si Marlou, makahingi ng jersey at autograph. Ang sarap sarap ng feeling nung
nakuha nila ang kampeonato! Ang sarap sa feeling! Nakuha ko pang tumakbo sa
buong corrider ng school namen dahil natalo nila ang Alaska sa wakas! Ngunit
parang gumuho ang aking mundo ng tumakbo si Tatang Jawo sa senado at
pinagtetrade ang mga idolo ko. Ang sakit! Sobrang sakit! Halos isumpa ko nuon
ang Ginebra! Nag lielow ako sa panonood ng PBA dahil sa sakit na iyon, ngunit
di sumaglit sa aking isip na magpalit o lumipat nalang ng ibang team. Ilang
taon ang lumipas, dumating ang AMBOY Player na may kulay ang buhok. Aminado
ako, tinawag ko pa sya nuong Bisaya kasi mukha naman talaga (Honest Lang) Pero
di pa rin ako nanood ng PBA kasi me nararamdaman parin akong sakit. Hangang sa
taong 2005 ako ay nagbalik loob, tinanggap ko ng wala na ang mga idolo ko
ngunit ang Ginebra Team ay anjan pa rin. Kaya simula noon nagpromise ako sa
sarili ko na wala na akong iidolohing Ginebra Player, magfufull support nalang
ako sa aking pinakamamahal na Team. Ang daming player na nawala, dumating okey
lang saken. Ngunit eto na naman, taong 2013 bumabalik na naman ang sakit na
naramdaman ko nung 90’s nararamdaman ko na naman na binabaliwala ng management
ang pagiging Ginebra fan ko, kung kelan nagkakaroon na naman ako ng PAG ASA na
makakamit ng Ginebra ang kampeonato.
Baket ganito, baket patuloy akong sinasaktan ng Ginebra
ngunit di ko ito maiwan. Nakakaiyak, nakakaduwal, nakakasawa na ngunit di ko
mabitawan ang pagiging Ginebra fan. Para akong addict na di mabubuhay pag di
sinuportahan ang mahal kong koponan. Sana man lang maisip ng Management ang mga
kagaya kong fan na patuloy an sumusuporta at nagmamahal sa Ginebra, pahalagahan
nyo naman kami kahit minsan. Mahalin nyo naman kami kahit paano. Dahil kagaya
sa isang relasyon, pag kami nagsawa wala na kayong makukuhang suporta galeng sa amin
No comments:
Post a Comment